Binebentang Oto!

Nobyembre 27, 2007

Binebent ko nga pala tong klasik na oto ko. Mark 2, 1988 Golf Cli, 1.8L, Matic.

Sobrang mahal ko sha padre. Marami kaming “happy times” netong bakal kong kaibigan. Pero la nang breds si pare para alagaan sha, gawa ng lumalaki na ang mga teen ager kong anak. Sana pina dede ko nalang sila ng formaline o binigyan ng laruan na gawa sa China para pang habang buhay silang baby. Hahaha!

pic-ni-pare409.jpgpic-ni-pare409.jpgpic-ni-pare407.jpgpic-ni-pare410.jpgsunshine.jpgpic-ni-pare405.jpg

Baka may iteresadong bumili, magpost lang kayo ng reply sa artikel na to ha? Sa maintenance, may irerekumenda rin akong kaibigan na napaka husay sa mga ganitong klaseng oto.


Disturbing

Nobyembre 27, 2007

Ewan ko lang ha, pero disturbed si Pare sa bidyo na to…

Nung kabataan ni Francis Magalona, natatandaan kong sinasayaw nya rin to eh…


Mga Kainan

Nobyembre 27, 2007

Sa susunod na mga araw, susulat ako tungkol sa mga kainan na….pinagkakainan ( leche, na-bobobo na si pare)…ko.

Parang isang konosur, lalaitin ko at bibigyan ko ng pugay ang mga sari saring mga napuntahan ko saan mang dulo ng Pilipinas.

Pagkain, Serbisyo, Presyo, Ambyans at Crowd ang magiging basehan ng rebyu ko para matulungan ko kayo kung saan nyo pwedeng gastusin ang pinaghirapan nyong pera.

Kung nais nyo ring mag dagdag, o may mai-rerekumenda na chibugan, kahit jologs, basta may kwenta, ilagay nyo lang sa mga comments chenelar section nitong post.

Mabuhay ang sibang Pinoy na mahilig kumain!

O, simulan na natin!

JT’s Manukan

(ang alam ko kay Joel Torre to, kaya siguro JT’s… kapwa Ilonggo)

San matatagpuan:

Gilmore Ave. (pag galing kang edsa, gilmore, greenhills, tawid ng santolan, tapos ayun na sa bandang kaliwa!) Wag lang sa oras ng pagsundo ng mga bata sa La Salle greenhills. Hayup na trapik sa lugar na ito.

Itsura o ang tinatawag nating Ambyans (timang! hindi ambulance!): 

Nasa tabi ng kalye mismo pero pwedeng magdala ng chikas na tinetesting mo kung maarte o may koboy side. May mga lokal na tanod na mukhang mga adik na tambay, pero may vest, na tutulungan kang magparada ng oto mo. Magtabi ng 10 piso pang yosi nila.

Puro poster ng mga ginawang pelikula at play ni Joel Torre ang naka-paskil sa mga dingding (Oro Plata Mata, etc…) at mga sked ng mga art art  happening na pinaskil ng mga estudyante.

Pwede ka pang bumili ng parol sa tapat kung wala pa kayong parol sa bahay nyo ngayong pasko.

Steady ang vibe dito at siguradong walang gulo.

Okey sa olrayt ang presyo ng chibog dito. Awtentik na Chiken Bacolod ang timpla! Dati nakita kong may beer silang sine-serve dito, kaya lang ang daming koryano at hapon na nalalasing na napaka ingay, kaya tinigil na ata ito. Mga sanggano.

Ang inorder ni Pare:

Chicken Ass, Pakpak, Chicken Thigh, Batchoy, Garlic Rice, Coke Lite (may pa lite lite pa ako, tangnang siba ko naman sa pag-order ng chibog). Wag na wag kalimutan mag order ng Chicken Oil. Yan ang Star margarine ng mga taga bacolod na mahilig kumain ng manok.

Wag magdala ng vegetarian. Wala silang makakain dito,ni tokwa.

Panalo sa presyo! Magtabi ng mga P100, busog ka na. May libreng hepa ka nga lang pag uminom ka ng Nawasa juice.

Yung staff, pwede na. May mga sungit din na sasagot sa yo na “hindi ako ang kumukuha ng order” at ituturo ka sa color coordinated na uniform na serbidors nila. Burat to kung 1st time mo kumain dito, kaya cool lang ng kaunti kasi kupal talaga yung iba. Hanapin nyo yung bakla at ngitian mo at tawagin mong “darling”. Mas advantage kung may kasama kang gwapo.

Overall Perpormans: 

Sulit sa budget tong JT’s munukan. Masarap talaga ang chibog nila at mukhang alam ni Joel Torre kung anong ginagawa nya. Bukas ito hanggang alas 2 ng umaga, kaya nakakakain parin ako dito pagkatapos ng programa ko sa radyo.

So, with matching Butch Francisco smile, 4.5 stars ang rating ni Pare dito (nawala ang 0.5 nung nawala ang beer).

Sa muling pag chibog!!


Mabagal si pare

Nobyembre 25, 2007

Basahin nyo to…

sulat mula kay:

walleee

hi KDL.. what po blogsite ni manila.. namiss ko kc nung sinabi u un on air.. hehehe

Nov 23, 2:46 AM

Padre, check mo uli yung title ng entry ko na mandatory.tabulas.com.

Tignan mo ng matagal. Mga 5 mins.. bigla nalang lilitaw.

Minajik ko.

Peksman..

Salamat sa pag tanong.

    


Paborito kong Bidyo ngayon!

Nobyembre 25, 2007

Panalo tong music bidyo na to! Panoorin nyo habang nagsisiga ng damo.

Laftrip daw…. sabi ng mga kaibigan kong laging nasa ulap…

Sana alam ko ang pakiramdam nila… Hahahaha!

yeh….


Pasensya na mga kaibigan

Nobyembre 25, 2007

Mga kapatid, pasensya na at ako’y nawala ng panandalian. Wala kasi akong internet, di ko pa maalala password ko kung sakaling makaharap ko ang pc habang nag do-dota ang anak ko at sinasamahan ko sa computer shop habang pinapaligiran ng mga taong mukhang di na naliligo at amoy singit sa asim. Kasama na ako dun para “fit in” kumbaga. Nampota.

Anyway, sumakabilang buhay na ang isa sa mga inaanak ko. Nakilibing ako at narealize kong mali ang nangyari. Unfair talaga ang buhay. Burat.

Akalain nyo, 4 years old lang, binawian na ng buhay. Namatay sa cardiac arrest. Kapapaligo lang sa kanya ng nanay nya, at kumare kong si Shen, nang pinupunasan, biglang parang umire sya na tipong parang naipit at nag-hingalo. Ang masama pa roon, namatay sya sa harapan ng 2 nyang kapatid. Isang 9 year old na ate (na nag-alaga sa kanya at nagpunas ng pwet tuwing jejebs at pinapaliguan pa) at 6 year old na kuya na lagi nyang kalaro. Badtrip diba?

Nakakaburat isipin bakit sya pa. Andaming pwede namang ibigay kay lord, ba’t isang walang kasalanan na bata?

Mahirap tanggapin to bilang magulang. Lalong traumatic to para sa kanyang mga kapatid. Yung 9 year old, gusto nang magpakamatay din kasi sabi nya “lagi nalang akong  iniiwanan ng mga mahal ko”. Tangina diba? 9 year old hihirit ng ganyan.

Malungkot talaga ang naging weekend ko kaya’t pagpasensyahan nyo na ang kakulangan kong mag update. Mejo mahirap lang i-absorb ang nangyari. Di ako sanay makatanggap ng balitang ganito.

Nakikiramay ang BLOGAN sa pamilyang Bagui sa pagkawala ng isang anghel. At least di ka na mahihirapan Carlo.


Minamahal kong bansa

Nobyembre 21, 2007

 

Madalang ako mag-chek ng email. Minsan nakakalimutan ko pa yung mga password ng mga ito. Hasel. Pero kapag aking naalala at nabubuksan ko sya, may mga nakaka-aliw na mga “forwarded shit” (ika nga ng mga nakaka halubilo kong mga bagets at nag-papaka amboy na lecheng kutong lupa sa kapaligiran ko) na nakakabuhay ng aking palaisipan, tumingala sa kisame at sabihin sa aking sarili..”onga no.. bakla nga yata si sam at piolo.. o baka naman photoshop to..”o “shyet, gutom nanaman si pare”.

Mayroon din namang mga email na di ko alam kung sinong henyong gumawa, pero hanep sa nilalaman. Sana ganito rin katalas ang utak ko sa pag obserba sa mga bagay bagay, lalo na’t tungkol sa ating soceidad.

Eto, ispatan nyo:

 

Why I live in the Philippines

When I travel people often ask me why I live in the Philippines .

Well here it is, the only place on earth…

…Where every street has a basketball court.

…Where even lawyers and engineers are unemployed.

…Where doctors study to become nurses for employment abroad.

…Where students pay more money than they will earn afterwards.

…Where school is considered the second home and the mall considered the third.

…Where call-center employees earn more money than teachers and nurses.

…Where mutineers get elected senators.

…Where luxury cars are being destroyed.

…Where the press people are the most powerful.

…Where the priest knew everything about politics

…Where everyone has his personal ghost story and superstition.

…Where mountains like Makiling and Banahaw are considered holy places.

…Where you can buy school diploma on the street.

…Where everything can be forged.

…Where Starbucks coffee is more expensive than gas.

…Where flyovers bring you from the freeway to the side streets.

…Where people cross the street under the overpass and not using the overpass.

…Where crossing the street involves running for your dear life.

…Where the personal computer is mainly used for games and Friendster

…Where protesters with anti-American sentiments are wearing a pair of Hanes and Levis .

…Where street protest is 12/7 activities and considered a living.

…Where colonial mentality is dishonestly denied!

…Where 4 a.m. is not even considered bedtime yet.

…Where people can pay to defy the law.

…Where everything and everyone is spoofed.

…Where even the poverty-stricken get to wear Ralph Lauren and Tommy Hilfiger

…Where the honking of car horns is a way of life.

…Where floodwaters take up more than 90 percent of the streets during the rainy season.

…Where everyone has a relative abroad who keeps them alive.

…Where wearing made in the Philippines clothes makes you baduy.

…Where even the poverty-stricken have the latest cell phones.

…Where insurance and educational plan do not work.

…Where the government makes the people pray for miracles.

…Where fast food is a diet meal.

…Where traffic signs are merely suggestions, not regulations.

…Where the definition of traffic is the ‘non-movement’ of vehicles.

…Where the WWII fighter planes are used for military engagements, and the new fighter planes are displayed in museums.

…Where cigarettes and alcohol are necessity, and where the lottery is a commodity.

…Where soap operas tell the realities of life and where the news provides the drama.

…Where actors make the rules and where politicians provide the entertainment.

…Where people can get away with stealing billions of pesos, but not a thousand.

…Where being an hour late is still considered punctual.

…Where late departure (ferry or plane) is considered normal.

…Where the squatters have more to complain (even if they do not pay their tax) —-

than those employed and have their tax automatically deducted from their salaries.

… and where everyone wants to leave the country!

According to Manila businessman, there is so much wit in the Philippines because ‘. . .
we are a country where a good sense of humor is needed to survive. This is the reason why amazingly Filipinos are one of the happiest people in the world.

We have a 24-hour comedy show here called the government and a huge reserve of comedians made up mostly of politicians and bad actors.

Now I ask you where else in the world would one want to live?

 

Hanep sa banat diba? Galing!

O eto, pampahabol na pampagana sa mga kaibigan nating mga bakla..

 

 

399236430_cc9be283f1.jpg

hahahaha!


Vox “Pepe”-li

Nobyembre 20, 2007

Ang kaibigan nating si defpotec may kumento:
November 14, 2007 at 9:25 am

welcome sa blog ng masa(rap)… matagal na akong tagapagsubaybay mo, at isang taga hanga.. noon akoy nakikigulo sa inyong katabi sa paragon, pero di ko maaring sabihin ang aking tunay na pagkatao, dahil anonimous blogger ako kuno.. nagbasketbol pa tayo tuwing thursday noon dun sa pioneer.. at ngayon ikaw ay nasa 103 at kalahati max fm, tuwang tuwa parin akong nakikinig sayo tuwing gabi…
harinaway mag enjoy ka sa pag blog mo mahal na hari.. harinaway maging at home ka dito..

mabuhay ang BLOG BLOG BLOG!! (iyong segment sa ‘iskinita ni logan’)

Maraming salamat kaibigang defpotec! Alam mo naman si pare, araw araw nagpapasalamat para sa mga tulad mong nagtitiyagang magparamdam ng kani kaniyang sentimyento sa pag-hanga sa ginagawa kong katarantaduhan sa radyo (na kadalasan nyong napagkakamalang “entertainment”).

Sa katotohanan, nababato lang ako, kaya ko nabasa ang sulat mo.

Hahahaha!

Natutuwa ako sa Blog blagan na to. Lahat ng mga naiisip kong bagay habang nagmumuni-muni nailalabas ko at natatanong ko rito. Mga bagay tulad ng bakit kulot ang bulbol ng tao. Parang ganun..

Eniwey, sa mga gustong i-link yung mga blog nila sa BLOGAN para mapag-tuunan ng pansin, sabihin nyo lang kung paano (meaning turuan nyo ko kung paano…step by step ha..) at papa-unlakan ko kayo. Babasahin ko pa sa palatuntunan ko via Blog Blog Blog Blog of the Day. Para lahat tayo hapi hapi!


Maligayang Kaarawan Kelly!

Nobyembre 20, 2007

Dahil tyani ako at kadalasang walang pera, eto lang ang mai-aalay kong regalo sa isa sa mga nirerespeto at hinahangaan kong tao sa FM radyo ngayon.

Hala, basa.

Kaarawan ng isa sa napaka buting kaibigan ko sa radyo kahapon, Nob.19. Etong si Kelly ng 99.5 Hit Fm. Di ko alam kung ilang taon na tong babaeng to, na wala nang ibang kinain kundi gulay at adik sa kape at syang naging inspirasyon ko sa pagtigil kong kumain ng anumang hayop na may apat na paa at umiiyak. Ang alam ko lang, mas matanda sya sa akin pero mukhang kabaligtaran ang itsura namin. Ibang klase talaga ang nagagawa ng tamang pag chibog sa itsura mo at outlook sa buhay ano?

Bumisita ako sa estasyon nila at nagmistulang secret operation ang pag isneaky ko sa hallway ng Paragon Plaza (na gusali ng Magic 89.9) para lang sorpresahin sya habang on-air. Napaka salbahe nila ng ka-tandem nyang si Tin (anak ni Butch Gamboa ng Motoring Today na partner ni Pocholo Ramirez…malalaman mo na sya pag nilagyan mo ng bigote tong si Tin…mas malaki rin ng bahagya ang boobs) at pinabigkas nila ako “99.5 Hit FM” sa ere. Kinilabutan ako kasi parang may gusto silang ipahiwatig. Siguro pinapalipat ako. Ewan natin. Pera pera lang yan kay Pare. O baka ilusyunado lang ako.

Bukod sa seksi at mukhang walang putok na kaibigan kong ito (vegetarian nga eh, kaya mukhang laging mabango), maraming nagmamahal at mga taga-hanga etong si Kelly na syang tinuturing kong pinaka magaling na dj na babae sa larangan ng FM radyo sa kasalukuyan. Ako shempre ang sa lalaki. Hahaha!

Maglalabas nga pala sya ng libro tungkol sa kanyang buhay, at may speyshal mention tungkol kay pare doon. Di ko alam kung bakit, pero meron daw. Ninenerbyos na ako.Baka may utang akong di nabayaran sa kanya… natamaan ng magaling.. Neberdeles, nafa-flatter si pare sa pagka-banggit sa kanya. Siguradong patok tong librong ito.

Anyway,sana natuwa sya sa aking pagbisita at binabati kita ng Maligayang Kaarawan, kaibigang Kelly! At dati ko pang inaasahan na batiin mo rin ako…..sa radyo..

mga bastos. Hahaha!


Adidas Pilipinas Jacket

Nobyembre 16, 2007

adidas-pilipinas-2.jpgMagandang balita mga pre! Sabi ng mga taga Adidas, lalabas muli ang mga bagong stock netong napaka hot na hot na jacket ng bandilang Pilipinas sa bandang Abril. Di lang ako sigurado kung P4,595 parin ha.

Kasalukuyang wala kang makukuha o ma-oorder ngayon kasi wala na sila. Narinig ko na mga 200 dolyar na ito sa ebay. Kaya mag ipon na kayo ngayon palang at gumising ng maaga para makakuha ka ng inyong sarili.  Sa Trinoma daw, wala pang 5 minuto, ubos ang paninda sa haba ng pila ng pinakabagong originals shop nila dun.

Nakakatuwa ang Pilipino ngayon. Walang perang pampautang kay pare, pero pagdating sa japorms, hahanap ng paraan! Mabuhay!

adidas-pilipinas.jpg


mandatory.tabulas.com

Nobyembre 16, 2007

May bago kaming bisita sa station na maganda na mala- artistang chikas! Manila ang pangalan nya mga pare. Aktwali, may nagpadala lang ng url ng blogsite nya via textline namin sa MaxFm para sa blog of the day. Hanep sa mga nilalaman!! Puro mga bagay na kapag nalaman ng nanay ko na binabasa ko, hahatawin ako ng malakas sa pisngi hanggat matanggal ang mata ko sa kinaroroonan nya! Masaya tong site na to at walang kadramahang kadalasang nakikita sa ibang blog! Ang nangyari, inimbita pala netong aking manyak na kaibigan na si Marf sa estasyon sa pamamagitan ng pag-chat. Grabe, mala-anghel ang ganda mga tol. Di karaniwan, pero natameme si pare nung nakita sya. Pati itong kasamahang naming si Myx Vj Drei Ball na gwaping ngunit ubod ng katorpehan, nagtampong kabayo nung ayaw ibigay ni Marf ang cel # ng vavavoom na daisy na ito! Sana balang araw makausap si Manila ng masinsinan para magpatulong sa “blog” ko. Hahaha!

manila.jpg

Pwedeh!


Panalo to mga Pare! Brumbi Hits.

Nobyembre 16, 2007


Jolliant Ampucha

Nobyembre 16, 2007

Eto ang titibag sa Big Mak, Jaribee at Mang Donald’s ! Mabuhay ang Free Enterprise!

jolliant.jpg

(paki dobol klik nalang para mas malinaw. ampanget ng pag-crop ko eh)


Mana sa Ama

Nobyembre 16, 2007

Pagmasdan nyo ang aking anak. Oo, daughter ko yang may maskara ng diyaryo sa mukha. Kung bakit nya ginanyan ang sarili nya, pati ako naguguluhan.

Pinadala nya etong letratong to via MMS, at sa pag gising, check naman ng celphone  si pare. Eh puyat. Natakot talaga ako. Ang sira ulong bata, ni hindi man nilagay ng message o na rename man lang ang letrato. Na figure out ko lang na siya dahil wala nang ibang may kakulangan ng turnilyo sa utak ang magpapadala ng ganito sa akin na may maganda na  mata kundi sya.

Dsilence-of-the-lana.jpgi talaga malayo ang pagkahulog ng mansanas sa puno.


Hindi pala to kikita ng dolyar…Nampota :(

Nobyembre 16, 2007

May komento po tayo mula kay Pareng JED:

KDL

Listener mo din ako..ayus itong blogan mo..

nabasa ko na gusto mo din kumita from blogging..medyo mahirap imonetize ang blog dito sa wordpress dahil hindi cla nagpapaadvertise..non commercial pa cla..unless kumuha ka ng sariling webhost at maginstall ka ng wordpress.

kung gusto mo mag monetize ng libre sa blogger.com (blogspot) ang pinaka practical.

i hope nakatulong ito kahit papano.

cheers!

Jed

- Yodeputa ( Naks! Yan ang kadalasang naririnig ko sa mga konyo kong kaibigan. Konyo din ata si Pare..Hahaha). Totoo ba to kaibigang Jed? Syet. Sawi nanaman si Pare sa pag-raket ng pera. Di talaga ako magiging magaling na pulitiko. Kung gumawa nga ng easy money na legal hindi ko kaya, magnakaw pa kaya. Tsk tsk tsk…. Magbenta nalang kaya ako ng chihuahua na tuta dito? Nabuburat ako. Tagal kong pinagtiyagaan tong lecheng site na to. GAAAAHHH!!! (Mga 2 araw para lang mag-register.. Oo, cyberbopols si Pare).


Na South Park si Pare

Nobyembre 15, 2007

kdl.jpgTeynks sa kaibigan kong si karen na nagpadala neto.  Kailangan mo na talaga ng lalaki at mukhang batong bato ka na.Hahaha!


Pusa ni Pare sa Kisame

Nobyembre 15, 2007

Kaya wala kaming Daga sa nabubulok naming bahay…peek-a-boo.jpg

peek-a-boo-2.jpg


Perpekting English

Nobyembre 15, 2007

 You want delivering to any ispeyshal occassion you has? Party on !le-souffle.jpg


Pinaka bagong Swift…gawa ng BMW

Nobyembre 15, 2007

Kung ako may ari neto, dapat lang mag todo dark tint ako para di makita ng mga kasamahan ko sa kalye kung gaano ako katanga. Hahahaha!Pinakabagong Swift ..gawa ng BMW


Ako po si King Dj Logan

Nobyembre 14, 2007

Ako po si King Dj Logan.

Isa sa pinaka maduming bibig sa industriya ng FM sa Metro Manila. Obyus na dj ako, kaya ganun ang pangalan ko. Pero shempre, ang teknikal na terminolohiyang tawag sa amin ay brodkaster. Political correctness kumbaga.

Andami ko nang napag trabahuang estasyon ng radyo, maraming nakatrabahong  tanga, swapang at mga engot na tao na kasama sa larangan ng mediang ito. Anyway, sa tagal ko na sa radyo, dito na ako tumanda at kumikita para lang makapasok uli sa susunod na araw. Oo,tanga ako. Pero wala eh, ganyan talaga ang tru lab. Hahamakin ang lahat, masibak ka lamang…o something like dat.. Para may visual idea kayo kung gaano na ako katagal dito, pag sinaksak mo ako, alikabok na ang isisirit ko kasi natuyo nang lahat ng dugo ko dahil sa imbyerna at frustration sa mga sari saring pulitika at katangahan ng mga kasamahan, mga nakasama at di pa nakakasama sa ere bilang colleague. Isama mo narin yung mga dati kong boss na nagmamagaling pero wala namang napapatunayan. Magaling lang mang gancho ng tao at magnakaw, kaya tumatagal. May karma din daw yan sabi ng iba. Ewan. Di ako naniniwala sa karma. Kung anong dapat mangyari sa yo, mangyayari sa ayaw at sa gusto mo, kahit na gaano ka kabait. Pweh!

Obyus ulit na galit ako sa mundo at wala akong paki kung tunog intelektuwal o engot ang dating ko sa karamihan. Nakakagulat lang  na maraming naaaliw sa topak ko. Mga wirdo. Nagtataka siguro kayo kung bakit tagalog ang gamit kong panulat nitong blog na to. Sawa na akong mag inggles pare!  Sa ere, sa mga hosting ng events, sa mga meeting, sa pag dedicate ng mga awtograp (oo, may mga nagpapa otograp! Kung bakit, di ko maintindihan. Labo no?), sa pakikipag usap ko sa mga anak kong inglisero,  sa pagpapakyut sa mga chiks na bagets at kasosyalan, sa pakikipagtungo ko sa kaibigan kong konyo at kung ano ano pang mga sitwasyon na kailangan mag inggles para seryosohin nila na dj ako.

Bakit nga ba ako nasabak at makipagsabayan sa katarantaduhang to na tawag nila ay blog? Punyeta, ewan ko nga eh. Basta ang alam ko, pag maraming makakabasa neto o tumingin sa site ko, kikita ako ng dolyar! Di lang ako sigurado ha, pero yun daw ang tsismis. Kung di man totoo, pak yu sa lecheng tsismosong yun na mali ang impormasyon. Ibig sabihin nagoyo mo si pare. ugh. Story of my life.

O sha, magenjoy nalang kayo sa kakabasa netong blog ko kung saan ko ilalabas lahat ng kalokohang di ko magawa nung hi school kasi papaluin ako sa pwet ng nanay ko (pwera pa sa sampal sa mukha), lahat ng katarantaduhan ng mga barkada ko, lahat ng mga binebenta ko (pwera yung puri ng alaga kong puskal na mukhang ngumangawngaw na spawn ng basurahan na ang pangalan ay Antenna kasi baluktot ang buntot), mga chikas na magagandang naleletratuhan ko (paparazzi din tong si pare) at sari saring mga ka ogagan na nangyayari sa pang araw-araw kong buhay.

Eto po ang Blogan. Ang blog ni pareng Logan.