Ako po si King Dj Logan.
Isa sa pinaka maduming bibig sa industriya ng FM sa Metro Manila. Obyus na dj ako, kaya ganun ang pangalan ko. Pero shempre, ang teknikal na terminolohiyang tawag sa amin ay brodkaster. Political correctness kumbaga.
Andami ko nang napag trabahuang estasyon ng radyo, maraming nakatrabahong tanga, swapang at mga engot na tao na kasama sa larangan ng mediang ito. Anyway, sa tagal ko na sa radyo, dito na ako tumanda at kumikita para lang makapasok uli sa susunod na araw. Oo,tanga ako. Pero wala eh, ganyan talaga ang tru lab. Hahamakin ang lahat, masibak ka lamang…o something like dat.. Para may visual idea kayo kung gaano na ako katagal dito, pag sinaksak mo ako, alikabok na ang isisirit ko kasi natuyo nang lahat ng dugo ko dahil sa imbyerna at frustration sa mga sari saring pulitika at katangahan ng mga kasamahan, mga nakasama at di pa nakakasama sa ere bilang colleague. Isama mo narin yung mga dati kong boss na nagmamagaling pero wala namang napapatunayan. Magaling lang mang gancho ng tao at magnakaw, kaya tumatagal. May karma din daw yan sabi ng iba. Ewan. Di ako naniniwala sa karma. Kung anong dapat mangyari sa yo, mangyayari sa ayaw at sa gusto mo, kahit na gaano ka kabait. Pweh!
Obyus ulit na galit ako sa mundo at wala akong paki kung tunog intelektuwal o engot ang dating ko sa karamihan. Nakakagulat lang na maraming naaaliw sa topak ko. Mga wirdo. Nagtataka siguro kayo kung bakit tagalog ang gamit kong panulat nitong blog na to. Sawa na akong mag inggles pare! Sa ere, sa mga hosting ng events, sa mga meeting, sa pag dedicate ng mga awtograp (oo, may mga nagpapa otograp! Kung bakit, di ko maintindihan. Labo no?), sa pakikipag usap ko sa mga anak kong inglisero, sa pagpapakyut sa mga chiks na bagets at kasosyalan, sa pakikipagtungo ko sa kaibigan kong konyo at kung ano ano pang mga sitwasyon na kailangan mag inggles para seryosohin nila na dj ako.
Bakit nga ba ako nasabak at makipagsabayan sa katarantaduhang to na tawag nila ay blog? Punyeta, ewan ko nga eh. Basta ang alam ko, pag maraming makakabasa neto o tumingin sa site ko, kikita ako ng dolyar! Di lang ako sigurado ha, pero yun daw ang tsismis. Kung di man totoo, pak yu sa lecheng tsismosong yun na mali ang impormasyon. Ibig sabihin nagoyo mo si pare. ugh. Story of my life.
O sha, magenjoy nalang kayo sa kakabasa netong blog ko kung saan ko ilalabas lahat ng kalokohang di ko magawa nung hi school kasi papaluin ako sa pwet ng nanay ko (pwera pa sa sampal sa mukha), lahat ng katarantaduhan ng mga barkada ko, lahat ng mga binebenta ko (pwera yung puri ng alaga kong puskal na mukhang ngumangawngaw na spawn ng basurahan na ang pangalan ay Antenna kasi baluktot ang buntot), mga chikas na magagandang naleletratuhan ko (paparazzi din tong si pare) at sari saring mga ka ogagan na nangyayari sa pang araw-araw kong buhay.
Eto po ang Blogan. Ang blog ni pareng Logan.
Ipinaskil ni kingdjlogan