Ako po si King Dj Logan.
Isa sa pinaka maduming bibig sa industriya ng FM sa Metro Manila. Obyus na dj ako, kaya ganun ang pangalan ko. Pero shempre, ang teknikal na terminolohiyang tawag sa amin ay brodkaster. Political correctness kumbaga.
Andami ko nang napag trabahuang estasyon ng radyo, maraming nakatrabahong tanga, swapang at mga engot na tao na kasama sa larangan ng mediang ito. Anyway, sa tagal ko na sa radyo, dito na ako tumanda at kumikita para lang makapasok uli sa susunod na araw. Oo,tanga ako. Pero wala eh, ganyan talaga ang tru lab. Hahamakin ang lahat, masibak ka lamang…o something like dat.. Para may visual idea kayo kung gaano na ako katagal dito, pag sinaksak mo ako, alikabok na ang isisirit ko kasi natuyo nang lahat ng dugo ko dahil sa imbyerna at frustration sa mga sari saring pulitika at katangahan ng mga kasamahan, mga nakasama at di pa nakakasama sa ere bilang colleague. Isama mo narin yung mga dati kong boss na nagmamagaling pero wala namang napapatunayan. Magaling lang mang gancho ng tao at magnakaw, kaya tumatagal. May karma din daw yan sabi ng iba. Ewan. Di ako naniniwala sa karma. Kung anong dapat mangyari sa yo, mangyayari sa ayaw at sa gusto mo, kahit na gaano ka kabait. Pweh!
Obyus ulit na galit ako sa mundo at wala akong paki kung tunog intelektuwal o engot ang dating ko sa karamihan. Nakakagulat lang na maraming naaaliw sa topak ko. Mga wirdo. Nagtataka siguro kayo kung bakit tagalog ang gamit kong panulat nitong blog na to. Sawa na akong mag inggles pare! Sa ere, sa mga hosting ng events, sa mga meeting, sa pag dedicate ng mga awtograp (oo, may mga nagpapa otograp! Kung bakit, di ko maintindihan. Labo no?), sa pakikipag usap ko sa mga anak kong inglisero, sa pagpapakyut sa mga chiks na bagets at kasosyalan, sa pakikipagtungo ko sa kaibigan kong konyo at kung ano ano pang mga sitwasyon na kailangan mag inggles para seryosohin nila na dj ako.
Bakit nga ba ako nasabak at makipagsabayan sa katarantaduhang to na tawag nila ay blog? Punyeta, ewan ko nga eh. Basta ang alam ko, pag maraming makakabasa neto o tumingin sa site ko, kikita ako ng dolyar! Di lang ako sigurado ha, pero yun daw ang tsismis. Kung di man totoo, pak yu sa lecheng tsismosong yun na mali ang impormasyon. Ibig sabihin nagoyo mo si pare. ugh. Story of my life.
O sha, magenjoy nalang kayo sa kakabasa netong blog ko kung saan ko ilalabas lahat ng kalokohang di ko magawa nung hi school kasi papaluin ako sa pwet ng nanay ko (pwera pa sa sampal sa mukha), lahat ng katarantaduhan ng mga barkada ko, lahat ng mga binebenta ko (pwera yung puri ng alaga kong puskal na mukhang ngumangawngaw na spawn ng basurahan na ang pangalan ay Antenna kasi baluktot ang buntot), mga chikas na magagandang naleletratuhan ko (paparazzi din tong si pare) at sari saring mga ka ogagan na nangyayari sa pang araw-araw kong buhay.
Eto po ang Blogan. Ang blog ni pareng Logan.
Nobyembre 14, 2007 bandang 8:39 umaga |
hahahaha sumakit tiyan ko sa pagbasa ng blog entry na ito. pero lahat ito ay pawang katotohanan lamang. mabuhay ang hari ng fm radio!
Nobyembre 14, 2007 bandang 9:25 umaga |
welcome sa blog ng masa(rap)… matagal na akong tagapagsubaybay mo, at isang taga hanga.. noon akoy nakikigulo sa inyong katabi sa paragon, pero di ko maaring sabihin ang aking tunay na pagkatao, dahil anonimous blogger ako kuno.. nagbasketbol pa tayo tuwing thursday noon dun sa pioneer.. at ngayon ikaw ay nasa 103 at kalahati max fm, tuwang tuwa parin akong nakikinig sayo tuwing gabi…
harinaway mag enjoy ka sa pag blog mo mahal na hari.. harinaway maging at home ka dito..
mabuhay ang BLOG BLOG BLOG!! (iyong segment sa ‘iskinita ni logan’)
Nobyembre 14, 2007 bandang 9:49 umaga |
welkam to blogosphere, betlogan! wag na wag ka mag i-englis ha kung ayaw mo masaktan. joke! pis tayo!
Nobyembre 15, 2007 bandang 11:48 umaga |
see? i listen to you EVERYDAY.
* thanks for being extra friendly last time i visited. will be back soon – with Manila girl.
Nobyembre 15, 2007 bandang 1:49 hapon |
Hey! Im an avid fan of your! I always listen to Logan’s Alley. Would you mind if i can make a design template for this blog, as soon as my work was finished. Thanks and more power to you!
Nobyembre 15, 2007 bandang 1:57 hapon |
Hi KDL!
As usual, pati blog site mo ay nakakatawa, mas prangka ka at mas honest. By the way, when you say your blog address on air, say it as :
http://kingdjlogan.wordpress.com – wala pong www. he he, world wide web po yun, di pang blog site. FYI only!
More power to your show and may you find some inner peace against this crazy and often unfair world of ours.
Ciao,
Ms. Rj Chavez
Nobyembre 15, 2007 bandang 3:09 hapon |
looking forward for the pics sa na i-ppost mo dito pops..hail to the king and his knights!
Nobyembre 15, 2007 bandang 11:00 hapon |
welcome sa wordpress at sa mundo ng blog..
Nobyembre 16, 2007 bandang 12:12 umaga |
astig ng blog mo pare…looking forward to a new kajologan topic hehhehe….
Nobyembre 16, 2007 bandang 1:50 umaga |
KDL
Listener mo din ako..ayus itong blogan mo..
nabasa ko na gusto mo din kumita from blogging..medyo mahirap imonetize ang blog dito sa wordpress dahil hindi cla nagpapaadvertise..non commercial pa cla..unless kumuha ka ng sariling webhost at maginstall ka ng wordpress.
kung gusto mo mag monetize ng libre sa blogger.com (blogspot) ang pinaka practical.
i hope nakatulong ito kahit papano.
cheers!
Nobyembre 16, 2007 bandang 2:07 umaga |
**ang lulutong ng mga mura mo, Logan! Crispy but true at its taste.**
**Ganyan pala sa Radio Industry, buti at mas maayos akong listener kesa DJ**
**Entertaining ka pa rin sa mga boring naming buhay!**
Nobyembre 16, 2007 bandang 2:12 umaga |
welcum sa blogsphere.
isa ka rin sa nagoyo na akala kikita ng dolyar bwahahahah (jowk)
Nobyembre 16, 2007 bandang 5:28 umaga |
Huwaw… Ang totoo ng mga sinabi mo… Parang narinig na kita? kaw ba yung sa channel 2 na may segment sa TV Patrol?
LOL! nampota ang korni…
Welkam kabagang Brodkaster!
Nobyembre 16, 2007 bandang 7:09 umaga |
hail to the KING!!!
welcome sa mundo ng mga bloggers..mabuti naman at naisipan mong mag create ng sarili mong blogspot..natuwa ako sa maiden blog mo…parang lahat ng angst mo eh ibinuhos mo na dito..lahat na nga ba o simula pa lang ito? haha…
anyways…i-ingles muna ako
i’ve always enjoyed listening to your program, way back when you were still with the other station..i think you’re very talented…yeah, may pagkaloko nga lang, pero, masaya. was driving home from work last night and i heard you on the radio with Carl Mcfly…grabe, super tawa ako when you talked about your “morning gasoline” back in HS…as in Tito, Vic and Joey!!! haha….brings back good ol’ memries for me too.
so, KDL…aabangan ko ang mga susunod mo pang blog. May the force be with your BLOGAN!
Hanggang sa muli!!!!
Nobyembre 16, 2007 bandang 10:13 umaga |
Sa wakas, at natapos na din ang paggawa mo ng iung mundo!! hahaha. matagal ko na naririnig sa portion mo na, “blog blob blog blog” na coming soon ang iung blog at eto na nga..NAAALIW at NAIIYAK sa kakatawa sa mga post mo!!! gling tlga ni inang mader!! hahaha..
yup, isa din akong avid listener ng mga programa mo sa rajo simula nung 2nd yr highschool ako!! khit lu-li island ang pagbulaga mu sa industriya ng rajo at san ka man mapuntang istasyon, andto pa din ako maghahanap!! hahaha.. galing mo kc, lumalawak ang isipang kong tulog sa mga topic mo sa iyong programa!! sana mgsulat ka ng indi panay tagalog entries kundi gay lingo na din!! haha, gudlak naman sa pareng konyo namen di ba?!
“long live the king!!!”
Nobyembre 16, 2007 bandang 12:12 hapon |
you have many fans among my friends.
i suggest that you write a book. seriously, with the following that you have, your book may even be a “national bookstore bestseller.” hehe. kikita ka pa!
you’ll be an easy read… yet inspiring.
Nobyembre 16, 2007 bandang 12:15 hapon |
yun nga lang, use “pakikitungo” instead of “pakikipagtungo” when you mean “dealing with.” o baka typo lang yon. haha.
Nobyembre 16, 2007 bandang 4:38 hapon |
ang astig ng blog ni pare!!! hehe avid listener mu din ako…
nakakatakot ang blog ni pare… patama sa mga umalipusta sau… pero ngaun?? hus da man now!!! hehe
Nobyembre 17, 2007 bandang 3:47 umaga |
haha galing galing. tama ser dito ilabas lahat badtrip kasi bawal ata magsabi ng totoo sa radio. masyado silang takot. bakit ayaw ba nila na masiraan sila? hehe more power your highness.
Nobyembre 17, 2007 bandang 12:18 hapon |
nice blog pare. sa wakas nabasa ko n din ung mg apost mo… ang bangis ng introduction. anf lulutong ng mga muraness…. sarap!!
more power to your show.
we’ll be w8n to ur gay linggo blog..
rak n rol!!!
Nobyembre 17, 2007 bandang 2:41 hapon |
ako ay nagagalak at magkakapera ka na ng marami sana maraming makakita ng blog mo hindi ako fan mo kasi hindi dapat ganun ang tawag sakin, ang mga ngposte ng mga comment dito ay humahanga sayong galing at isa ako sa mga nagtiyaga na mgbigay ng kumento para sayo. SALAMAT PO!!!
Nobyembre 18, 2007 bandang 3:34 umaga |
eio KDL!
ibang klase ka talaga! kulang na lang pati mundo ng tv pasukin mo. hehehe. pero sabi mo nga minsan na di ka pan-tv, ok na rin yun at least nasa fm radio ka at ikaw pa ang hari di ba? punta uli ako sa station nyo baka next year na kc magiging bc me eh. anong gusto mong dalhin ko-kapeng barako at suman, balisong ng batangas o lambanog ng batangas? sana lang di ako mahuli pag nagpuslit ako non sa bag ko. hehehe.
more power sayo! god bless! muahhh….
Nobyembre 19, 2007 bandang 8:31 umaga |
parang nagbabasa ko ng pugad baboy at libro ni hudas , nakakatawa at nakakaaliw ure genius!!! wag ka na lang nagagalit ha kakatakot eh…
Nobyembre 20, 2007 bandang 5:41 umaga |
[...] Ang kaibigan nating si defpotec may kumento: November 14, 2007 at 9:25 am welcome sa blog ng masa(rap)… matagal na akong tagapagsubaybay mo, at isang taga hanga.. noon [...]
Nobyembre 22, 2007 bandang 7:12 umaga |
di lang pang dj pang blog pa. enjoy ng pakingan ay enjoy pa rin basahin. mabuti na lang at naligaw ako ditokaya’t siguradong madadagdagan na naman ang mga tawanan namin dito sa qatar.
Nobyembre 22, 2007 bandang 6:55 hapon |
Magandang umago po Kamahalan, ito po ang iyong masigasig na tagasubaybay na si Ginoong Pepe, hindi mo naitatanong ang inspirasyon ko sa pangalang ito ay nakuha ko sa iyo, ang masaya at kapanapanabik na larong Pepe, alay kay Ginoong Pedro Pedrosa.
Maiba naman tayo, maganda itong ginawa mong Blogang ito, napakasaya at kakaiba. Napakinggan nga kita sa Hit fm dahil kay Bb. Kelly Kelly at kay Bb. Tin, BB talaga sya, uhurm. Nakakatuwa sila, nakikinig ako sa programa ni Kelly noong sya ay nasa estasyiong salamangka otsentay nuebe tuldok nuebe. Kasama pa nya noon si Malaking tatay Jake, magandang kombinasyon yun Kamahalan. Nais kitang batiin dito sa Blogan mo. At o nga pala kumustahin mo naman ako sa PinakamaGinoong lalaki sa balat ng lupaing ito, si Tito Brando Braganza ang nag pauso ng oras ng kaseksihan. Isa syang dakilang tao na dapat bigyan ng tamangt papuri at pagpupunyagi. Si dakilang Marf din ay kailangang batiin dahil sa kanyang pagtulong at asikaso sa eskenita mo.
Napansin ko na mayroong magandang binibining nasa larawan ng Blogan mo, si Bb. Manila, sana ay makapunta pa sya sa eskenita mo, dahil ang dating nya ay PUWEDEH. Lalaban kay Bb. Tracy at Bb. Kelly at Bb. Tin sa Hit.
Sa pagwawakas, sana ay lumakas pa ang iyong estasyon at syempre ang kita din ni pare, para tuloy tuloy ang ligaya naming mga masigasig na tagasubaybay ni Kamahalang Logan. Ingat. Lahat panalo. Salamas, este salamat.
Sumasaiyo,
Ginoong Pepe
Nobyembre 27, 2007 bandang 6:06 hapon |
Logan,
You should move to Blogger.com. You will not earn a cent from blogging here in WordPress, FYI. I started blogging in Blogger.com about 3 months ago and I’m about to receive my very first paycheck (in dollars) on the first week of December. I’ll let you know how that turns out.
David
Nobyembre 28, 2007 bandang 3:42 hapon |
KDL astig ka talga, buti na lang at ginawa mo itong blogan, dahil at least nakakapagcomment kami sa mga bagay-bagay na nakalgay dito… at ang maganda dun libre…
more power to you
KDL = RADIO
Nobyembre 29, 2007 bandang 6:34 umaga |
ei di ko alam ang sasabihi ko pero i like real people when I listen to you a radio I can’t stop laughing on your jokes even on your etchaz game minumura na nga aq ng nanay ko dahil alas dose na ako natutulo0g nung una nakikinig aq sa Magic hindi sila magadang halimbawa mga malilibog at bastos pardon me for the word so I switch to maxville o sige nice blog
can u pleace greet me n your show and hi to marf his name sound like gay and to justin ray
and hi to Mr kamote Mr tinapa Mr tipaklong
your avid listener
Loreto Parducho From Tayay Maxville
Disyembre 3, 2007 bandang 1:39 hapon |
hey pare,, aus na aus to ah.. nakakasira ng ulo..haha
pero mas ok ang tama nitong blog mo kesa sa bwisit na math ng course ko..
tuloy lng ang pangbu2lbog gabi2 huh??! ingat ang mga tanga xo..haha
Disyembre 10, 2007 bandang 1:22 hapon |
hey kdl.. my entry ako para sa bolang balita.. hahaha
Sa ulo ng nagbabagang Balita:
Capt. Hook dumaan sa
Quiapo,
pinirata!!!
* Palaisdaan, nasunog!!!
* Tahanang Walang Hagdan,
inakyat!!!
* Bakla sumali sa away, napasubo!!!
* Bagong tuli nagyabang, lumaki
ang
ulo!!!
* Unanong madre, napagkamalang
penguin!!!
* Bulag nakapatay, nagdilim daw
ang
paningin!!!
* Iceman nanood ng porno, nag-
init!!!
* Tindera ng suka, tinoyo!!!
* Teacher nagkamali, tinuruan ng
leksyon!!!
* Lolo naakusahang nang-rape,
pero
sa
korte….biktima ayaw tumayo!!!
* Eroplano nag-crash, lahat ng
pasahero namatay
sabi….
ng mga survivor!!!
* Basurero nagsampa ng kaso,
binasura!!!
* Dahil may reklamo, eskwelahan
ng
mga bingi
nag-noise barrage!!!
* Tubero, nagka-tulo!!!
* Lalaki natagpuang pugot ang ulo,
inaalam pa
kung buhay!!!
* Barbero tumestigo sa krimen,
ayaw
paniwalaan!!!
* Misis ng photographer, nakunan!!!
* Tindera ng tubig, namatay sa
uhaw!!!
* Kaso ng pilay, nilalakad!!!