Adidas Pilipinas Jacket

Nobyembre 16, 2007

adidas-pilipinas-2.jpgMagandang balita mga pre! Sabi ng mga taga Adidas, lalabas muli ang mga bagong stock netong napaka hot na hot na jacket ng bandilang Pilipinas sa bandang Abril. Di lang ako sigurado kung P4,595 parin ha.

Kasalukuyang wala kang makukuha o ma-oorder ngayon kasi wala na sila. Narinig ko na mga 200 dolyar na ito sa ebay. Kaya mag ipon na kayo ngayon palang at gumising ng maaga para makakuha ka ng inyong sarili.  Sa Trinoma daw, wala pang 5 minuto, ubos ang paninda sa haba ng pila ng pinakabagong originals shop nila dun.

Nakakatuwa ang Pilipino ngayon. Walang perang pampautang kay pare, pero pagdating sa japorms, hahanap ng paraan! Mabuhay!

adidas-pilipinas.jpg


mandatory.tabulas.com

Nobyembre 16, 2007

May bago kaming bisita sa station na maganda na mala- artistang chikas! Manila ang pangalan nya mga pare. Aktwali, may nagpadala lang ng url ng blogsite nya via textline namin sa MaxFm para sa blog of the day. Hanep sa mga nilalaman!! Puro mga bagay na kapag nalaman ng nanay ko na binabasa ko, hahatawin ako ng malakas sa pisngi hanggat matanggal ang mata ko sa kinaroroonan nya! Masaya tong site na to at walang kadramahang kadalasang nakikita sa ibang blog! Ang nangyari, inimbita pala netong aking manyak na kaibigan na si Marf sa estasyon sa pamamagitan ng pag-chat. Grabe, mala-anghel ang ganda mga tol. Di karaniwan, pero natameme si pare nung nakita sya. Pati itong kasamahang naming si Myx Vj Drei Ball na gwaping ngunit ubod ng katorpehan, nagtampong kabayo nung ayaw ibigay ni Marf ang cel # ng vavavoom na daisy na ito! Sana balang araw makausap si Manila ng masinsinan para magpatulong sa “blog” ko. Hahaha!

manila.jpg

Pwedeh!


Panalo to mga Pare! Brumbi Hits.

Nobyembre 16, 2007


Jolliant Ampucha

Nobyembre 16, 2007

Eto ang titibag sa Big Mak, Jaribee at Mang Donald’s ! Mabuhay ang Free Enterprise!

jolliant.jpg

(paki dobol klik nalang para mas malinaw. ampanget ng pag-crop ko eh)


Mana sa Ama

Nobyembre 16, 2007

Pagmasdan nyo ang aking anak. Oo, daughter ko yang may maskara ng diyaryo sa mukha. Kung bakit nya ginanyan ang sarili nya, pati ako naguguluhan.

Pinadala nya etong letratong to via MMS, at sa pag gising, check naman ng celphone  si pare. Eh puyat. Natakot talaga ako. Ang sira ulong bata, ni hindi man nilagay ng message o na rename man lang ang letrato. Na figure out ko lang na siya dahil wala nang ibang may kakulangan ng turnilyo sa utak ang magpapadala ng ganito sa akin na may maganda na  mata kundi sya.

Dsilence-of-the-lana.jpgi talaga malayo ang pagkahulog ng mansanas sa puno.


Hindi pala to kikita ng dolyar…Nampota :(

Nobyembre 16, 2007

May komento po tayo mula kay Pareng JED:

KDL

Listener mo din ako..ayus itong blogan mo..

nabasa ko na gusto mo din kumita from blogging..medyo mahirap imonetize ang blog dito sa wordpress dahil hindi cla nagpapaadvertise..non commercial pa cla..unless kumuha ka ng sariling webhost at maginstall ka ng wordpress.

kung gusto mo mag monetize ng libre sa blogger.com (blogspot) ang pinaka practical.

i hope nakatulong ito kahit papano.

cheers!

Jed

- Yodeputa ( Naks! Yan ang kadalasang naririnig ko sa mga konyo kong kaibigan. Konyo din ata si Pare..Hahaha). Totoo ba to kaibigang Jed? Syet. Sawi nanaman si Pare sa pag-raket ng pera. Di talaga ako magiging magaling na pulitiko. Kung gumawa nga ng easy money na legal hindi ko kaya, magnakaw pa kaya. Tsk tsk tsk…. Magbenta nalang kaya ako ng chihuahua na tuta dito? Nabuburat ako. Tagal kong pinagtiyagaan tong lecheng site na to. GAAAAHHH!!! (Mga 2 araw para lang mag-register.. Oo, cyberbopols si Pare).