Nobyembre 20, 2007
Ang kaibigan nating si defpotec may kumento:
November 14, 2007 at 9:25 am
welcome sa blog ng masa(rap)… matagal na akong tagapagsubaybay mo, at isang taga hanga.. noon akoy nakikigulo sa inyong katabi sa paragon, pero di ko maaring sabihin ang aking tunay na pagkatao, dahil anonimous blogger ako kuno.. nagbasketbol pa tayo tuwing thursday noon dun sa pioneer.. at ngayon ikaw ay nasa 103 at kalahati max fm, tuwang tuwa parin akong nakikinig sayo tuwing gabi…
harinaway mag enjoy ka sa pag blog mo mahal na hari.. harinaway maging at home ka dito..
mabuhay ang BLOG BLOG BLOG!! (iyong segment sa ‘iskinita ni logan’)
Maraming salamat kaibigang defpotec! Alam mo naman si pare, araw araw nagpapasalamat para sa mga tulad mong nagtitiyagang magparamdam ng kani kaniyang sentimyento sa pag-hanga sa ginagawa kong katarantaduhan sa radyo (na kadalasan nyong napagkakamalang “entertainment”).
Sa katotohanan, nababato lang ako, kaya ko nabasa ang sulat mo.
Hahahaha!
Natutuwa ako sa Blog blagan na to. Lahat ng mga naiisip kong bagay habang nagmumuni-muni nailalabas ko at natatanong ko rito. Mga bagay tulad ng bakit kulot ang bulbol ng tao. Parang ganun..
Eniwey, sa mga gustong i-link yung mga blog nila sa BLOGAN para mapag-tuunan ng pansin, sabihin nyo lang kung paano (meaning turuan nyo ko kung paano…step by step ha..) at papa-unlakan ko kayo. Babasahin ko pa sa palatuntunan ko via Blog Blog Blog Blog of the Day. Para lahat tayo hapi hapi!
Mga Puna |
King Dj Logan |
Permakawing
Ipinaskil ni kingdjlogan
Nobyembre 20, 2007
Dahil tyani ako at kadalasang walang pera, eto lang ang mai-aalay kong regalo sa isa sa mga nirerespeto at hinahangaan kong tao sa FM radyo ngayon.
Hala, basa.
Kaarawan ng isa sa napaka buting kaibigan ko sa radyo kahapon, Nob.19. Etong si Kelly ng 99.5 Hit Fm. Di ko alam kung ilang taon na tong babaeng to, na wala nang ibang kinain kundi gulay at adik sa kape at syang naging inspirasyon ko sa pagtigil kong kumain ng anumang hayop na may apat na paa at umiiyak. Ang alam ko lang, mas matanda sya sa akin pero mukhang kabaligtaran ang itsura namin. Ibang klase talaga ang nagagawa ng tamang pag chibog sa itsura mo at outlook sa buhay ano?
Bumisita ako sa estasyon nila at nagmistulang secret operation ang pag isneaky ko sa hallway ng Paragon Plaza (na gusali ng Magic 89.9) para lang sorpresahin sya habang on-air. Napaka salbahe nila ng ka-tandem nyang si Tin (anak ni Butch Gamboa ng Motoring Today na partner ni Pocholo Ramirez…malalaman mo na sya pag nilagyan mo ng bigote tong si Tin…mas malaki rin ng bahagya ang boobs) at pinabigkas nila ako “99.5 Hit FM” sa ere. Kinilabutan ako kasi parang may gusto silang ipahiwatig. Siguro pinapalipat ako. Ewan natin. Pera pera lang yan kay Pare. O baka ilusyunado lang ako.
Bukod sa seksi at mukhang walang putok na kaibigan kong ito (vegetarian nga eh, kaya mukhang laging mabango), maraming nagmamahal at mga taga-hanga etong si Kelly na syang tinuturing kong pinaka magaling na dj na babae sa larangan ng FM radyo sa kasalukuyan. Ako shempre ang sa lalaki. Hahaha!
Maglalabas nga pala sya ng libro tungkol sa kanyang buhay, at may speyshal mention tungkol kay pare doon. Di ko alam kung bakit, pero meron daw. Ninenerbyos na ako.Baka may utang akong di nabayaran sa kanya… natamaan ng magaling.. Neberdeles, nafa-flatter si pare sa pagka-banggit sa kanya. Siguradong patok tong librong ito.
Anyway,sana natuwa sya sa aking pagbisita at binabati kita ng Maligayang Kaarawan, kaibigang Kelly! At dati ko pang inaasahan na batiin mo rin ako…..sa radyo..
mga bastos. Hahaha!
Mga Puna |
King Dj Logan |
Permakawing
Ipinaskil ni kingdjlogan