Maligayang Kaarawan Kelly!

Dahil tyani ako at kadalasang walang pera, eto lang ang mai-aalay kong regalo sa isa sa mga nirerespeto at hinahangaan kong tao sa FM radyo ngayon.

Hala, basa.

Kaarawan ng isa sa napaka buting kaibigan ko sa radyo kahapon, Nob.19. Etong si Kelly ng 99.5 Hit Fm. Di ko alam kung ilang taon na tong babaeng to, na wala nang ibang kinain kundi gulay at adik sa kape at syang naging inspirasyon ko sa pagtigil kong kumain ng anumang hayop na may apat na paa at umiiyak. Ang alam ko lang, mas matanda sya sa akin pero mukhang kabaligtaran ang itsura namin. Ibang klase talaga ang nagagawa ng tamang pag chibog sa itsura mo at outlook sa buhay ano?

Bumisita ako sa estasyon nila at nagmistulang secret operation ang pag isneaky ko sa hallway ng Paragon Plaza (na gusali ng Magic 89.9) para lang sorpresahin sya habang on-air. Napaka salbahe nila ng ka-tandem nyang si Tin (anak ni Butch Gamboa ng Motoring Today na partner ni Pocholo Ramirez…malalaman mo na sya pag nilagyan mo ng bigote tong si Tin…mas malaki rin ng bahagya ang boobs) at pinabigkas nila ako “99.5 Hit FM” sa ere. Kinilabutan ako kasi parang may gusto silang ipahiwatig. Siguro pinapalipat ako. Ewan natin. Pera pera lang yan kay Pare. O baka ilusyunado lang ako.

Bukod sa seksi at mukhang walang putok na kaibigan kong ito (vegetarian nga eh, kaya mukhang laging mabango), maraming nagmamahal at mga taga-hanga etong si Kelly na syang tinuturing kong pinaka magaling na dj na babae sa larangan ng FM radyo sa kasalukuyan. Ako shempre ang sa lalaki. Hahaha!

Maglalabas nga pala sya ng libro tungkol sa kanyang buhay, at may speyshal mention tungkol kay pare doon. Di ko alam kung bakit, pero meron daw. Ninenerbyos na ako.Baka may utang akong di nabayaran sa kanya… natamaan ng magaling.. Neberdeles, nafa-flatter si pare sa pagka-banggit sa kanya. Siguradong patok tong librong ito.

Anyway,sana natuwa sya sa aking pagbisita at binabati kita ng Maligayang Kaarawan, kaibigang Kelly! At dati ko pang inaasahan na batiin mo rin ako…..sa radyo..

mga bastos. Hahaha!

10 Tugon tungo sa “Maligayang Kaarawan Kelly!”

  1. kellykelly ay nagsabing:

    hala logan…super salamat…your mission impossible-re-entry-into-paragon-to-surprise-me-on-my-birthday bit was one of the best gifts ever…and then, this entry in your “blogan”, hanep! =) there are only a few people i look up to in the radio biz and you’re one of them. salamat kaibigang logan sa pag-”bati” atbp. =) this site is yet another proof of your brilliance…idol! =)

    your kaibigan na vegetarian at mukhang walang putok (hahahahaha!!! – aliw),
    kelly =)

  2. tin gamboa ay nagsabing:

    ang saya kahapon! ang saya mag-”isneaky”!

    yesterday was just a taste of things to come. yehey!

  3. katrina ay nagsabing:

    my king oohhh super sweet naman,,,, kahit ure sick ah… hehehe

  4. Mark ay nagsabing:

    Happy Bday Kelly.

  5. Cha Chi ay nagsabing:

    my two favorite djs. in. one. show.

    is anything better than that?

    ‘nuf said.

  6. taragis ay nagsabing:

    ..ansaya ng bdei n keLLy..

  7. thin tine ay nagsabing:

    haha, kung ikaw nga ang KING ng fm raio, dahil sa cnabi mong xa sa babae??
    edi pwede nang tawagin syang…QUEEN DJ KELLY??
    right tin??
    hahaha!!!

    *galing mang-asar ni tukayo!!hahaha!!!”

  8. bastard0 ay nagsabing:

    yeah..ganda ng combination nyo pops! palagi ka na nila tin at kelly pinaguusapan sa show nila..is there something going on between the two of you? hahaha! peace out!

  9. joogie gonzaga ay nagsabing:

    haring logan,

    sadya ngang nkakatuwa ang artikulong iyong nilathala sa iyon blag tungkol sa isang pinaka magaling na Dj sa balat ng lupa.. isa kang henyo!!

    siguro nga kayo ay niluwal sa mundong ito para maghatid ng saya at tuwa sa aming mga nakikinig,, kayo ang POON/PANGINOON ng industriya ng radyo.. at si BB.kelly naman ang reyna…

    hindi matawaran ang pagpili mo ng salita lalo na un PAG ISNEAKY MO SA HALL..akoy napahagikgik ng malakas at di inalintalang LUMOBO ANG AKING SIPON SA KAKATAWA!! mabuhay ka!..

    isa ka sa aking mga idolo na pinapangarap na mkita at makilala (thelma bowlen aka JOEY OF ZACK N JOEY OF NU un isa kaya lang umalis na si mare!! HASSLE!!)

    mabuhay ka haring logan!! MABUHAY KAAAAA!!!

  10. Cha Chi ay nagsabing:

    ang kaisa isang HARI ng radyo.

    wala ng iba.

    kaisa isa nga eh.

Mag-iwan ng Tugon