Ang blog ni pareng Logan. Oo ako nga yung King dj sa radyo na kadalasang napapagkamalang si Mark Logan ng mga estupidong kunwaring nakikinig sa akin kung malaman nilang dj ako. Hindi po ako tumutula at hindi boses ipis. Sana maaliw kayo sa site na to. Magpa advertise din kayo para may pera ako at mawala ng kaunti ang galit ko sa mundo. Onga pala, nanay ng kaibigan ko yang naka-pamewang sa background sa Iloilo.
Mga kapatid, pasensya na at ako’y nawala ng panandalian. Wala kasi akong internet, di ko pa maalala password ko kung sakaling makaharap ko ang pc habang nag do-dota ang anak ko at sinasamahan ko sa computer shop habang pinapaligiran ng mga taong mukhang di na naliligo at amoy singit sa asim. Kasama na ako dun para “fit in” kumbaga. Nampota.
Anyway, sumakabilang buhay na ang isa sa mga inaanak ko. Nakilibing ako at narealize kong mali ang nangyari. Unfair talaga ang buhay. Burat.
Akalain nyo, 4 years old lang, binawian na ng buhay. Namatay sa cardiac arrest. Kapapaligo lang sa kanya ng nanay nya, at kumare kong si Shen, nang pinupunasan, biglang parang umire sya na tipong parang naipit at nag-hingalo. Ang masama pa roon, namatay sya sa harapan ng 2 nyang kapatid. Isang 9 year old na ate (na nag-alaga sa kanya at nagpunas ng pwet tuwing jejebs at pinapaliguan pa) at 6 year old na kuya na lagi nyang kalaro. Badtrip diba?
Nakakaburat isipin bakit sya pa. Andaming pwede namang ibigay kay lord, ba’t isang walang kasalanan na bata?
Mahirap tanggapin to bilang magulang. Lalong traumatic to para sa kanyang mga kapatid. Yung 9 year old, gusto nang magpakamatay din kasi sabi nya “lagi nalang akong iniiwanan ng mga mahal ko”. Tangina diba? 9 year old hihirit ng ganyan.
Malungkot talaga ang naging weekend ko kaya’t pagpasensyahan nyo na ang kakulangan kong mag update. Mejo mahirap lang i-absorb ang nangyari. Di ako sanay makatanggap ng balitang ganito.
Nakikiramay ang BLOGAN sa pamilyang Bagui sa pagkawala ng isang anghel. At least di ka na mahihirapan Carlo.