Mga kapatid, pasensya na at ako’y nawala ng panandalian. Wala kasi akong internet, di ko pa maalala password ko kung sakaling makaharap ko ang pc habang nag do-dota ang anak ko at sinasamahan ko sa computer shop habang pinapaligiran ng mga taong mukhang di na naliligo at amoy singit sa asim. Kasama na ako dun para “fit in” kumbaga. Nampota.
Anyway, sumakabilang buhay na ang isa sa mga inaanak ko. Nakilibing ako at narealize kong mali ang nangyari. Unfair talaga ang buhay. Burat.
Akalain nyo, 4 years old lang, binawian na ng buhay. Namatay sa cardiac arrest. Kapapaligo lang sa kanya ng nanay nya, at kumare kong si Shen, nang pinupunasan, biglang parang umire sya na tipong parang naipit at nag-hingalo. Ang masama pa roon, namatay sya sa harapan ng 2 nyang kapatid. Isang 9 year old na ate (na nag-alaga sa kanya at nagpunas ng pwet tuwing jejebs at pinapaliguan pa) at 6 year old na kuya na lagi nyang kalaro. Badtrip diba?
Nakakaburat isipin bakit sya pa. Andaming pwede namang ibigay kay lord, ba’t isang walang kasalanan na bata?
Mahirap tanggapin to bilang magulang. Lalong traumatic to para sa kanyang mga kapatid. Yung 9 year old, gusto nang magpakamatay din kasi sabi nya “lagi nalang akong iniiwanan ng mga mahal ko”. Tangina diba? 9 year old hihirit ng ganyan.
Malungkot talaga ang naging weekend ko kaya’t pagpasensyahan nyo na ang kakulangan kong mag update. Mejo mahirap lang i-absorb ang nangyari. Di ako sanay makatanggap ng balitang ganito.
Nakikiramay ang BLOGAN sa pamilyang Bagui sa pagkawala ng isang anghel. At least di ka na mahihirapan Carlo.
Nobyembre 26, 2007 bandang 8:16 umaga |
ang lagi talagang kwalan sa pamilya kapag ang bata ang nawala… masakit p nun ung bunso pa ang namatay..
hayyy.. pagpray nlng natin c carlo, ganon dn ang family niya para makamove on..
Nobyembre 26, 2007 bandang 11:28 umaga |
Ganyan ka ba talaga magsalita king dj logan? akala ko ba konyo ka? nak ng tinapay
Nobyembre 26, 2007 bandang 3:46 hapon |
aww paanong nangyari yun? parang mahirap isipin na may nangyayaring ganyan sa mga bata na walang muwang. minsan talaga mahirap intindihin ang buhay. condolence sa pamilya na maliit na anghel na yun.
Nobyembre 26, 2007 bandang 5:58 hapon |
he’s God’s lil angel now..
Nobyembre 26, 2007 bandang 6:57 hapon |
condolences. shit talaga yan. pagdarasal ko inaanak mo.
Nobyembre 27, 2007 bandang 12:20 hapon |
grabe, nakakalungkot naman yung nangyari sa inaanak mo… Anyway gya nga ng sabi nila, he’s God’s little angel (ehem!) na ngayon.. Condolences..
Nobyembre 27, 2007 bandang 2:02 hapon |
nadama ko ang kalungkutan sa post na ito. Just last week, namatay ang first-born son ng bespren ko…10-days old lang.
nakangiti ang baby nang iburol at ilibing, nakakahinayang…i can only imagine yung sakit na nararamdaman ng bespren ko.
Nobyembre 28, 2007 bandang 9:58 umaga |
kapag bata ang sumakabilang buhay, ang hirap talaga tanggapin. cardiac arrest at 4? bakit kaya? pero may bagong angel sa langit. condolence sa pamilya.
Nobyembre 30, 2007 bandang 7:14 umaga |
condolence sa family niya.. grabe un, kaawa ung nine yr old niyang kapatid
Disyembre 3, 2007 bandang 7:19 umaga |
condolences din pow….
Disyembre 13, 2007 bandang 12:54 hapon |
condolence sa family nya, masakit nangyari pero kailangan tanggapin.
bakit di na lang mga buwaya sa gobyerno ang kunin ni Lord?
bakit isang musmos pa na wala pang alam sa mundo…