Sa susunod na mga araw, susulat ako tungkol sa mga kainan na….pinagkakainan ( leche, na-bobobo na si pare)…ko.
Parang isang konosur, lalaitin ko at bibigyan ko ng pugay ang mga sari saring mga napuntahan ko saan mang dulo ng Pilipinas.
Pagkain, Serbisyo, Presyo, Ambyans at Crowd ang magiging basehan ng rebyu ko para matulungan ko kayo kung saan nyo pwedeng gastusin ang pinaghirapan nyong pera.
Kung nais nyo ring mag dagdag, o may mai-rerekumenda na chibugan, kahit jologs, basta may kwenta, ilagay nyo lang sa mga comments chenelar section nitong post.
Mabuhay ang sibang Pinoy na mahilig kumain!
O, simulan na natin!
JT’s Manukan
(ang alam ko kay Joel Torre to, kaya siguro JT’s… kapwa Ilonggo)
San matatagpuan:
Gilmore Ave. (pag galing kang edsa, gilmore, greenhills, tawid ng santolan, tapos ayun na sa bandang kaliwa!) Wag lang sa oras ng pagsundo ng mga bata sa La Salle greenhills. Hayup na trapik sa lugar na ito.
Itsura o ang tinatawag nating Ambyans (timang! hindi ambulance!):
Nasa tabi ng kalye mismo pero pwedeng magdala ng chikas na tinetesting mo kung maarte o may koboy side. May mga lokal na tanod na mukhang mga adik na tambay, pero may vest, na tutulungan kang magparada ng oto mo. Magtabi ng 10 piso pang yosi nila.
Puro poster ng mga ginawang pelikula at play ni Joel Torre ang naka-paskil sa mga dingding (Oro Plata Mata, etc…) at mga sked ng mga art art happening na pinaskil ng mga estudyante.
Pwede ka pang bumili ng parol sa tapat kung wala pa kayong parol sa bahay nyo ngayong pasko.
Steady ang vibe dito at siguradong walang gulo.
Okey sa olrayt ang presyo ng chibog dito. Awtentik na Chiken Bacolod ang timpla! Dati nakita kong may beer silang sine-serve dito, kaya lang ang daming koryano at hapon na nalalasing na napaka ingay, kaya tinigil na ata ito. Mga sanggano.
Ang inorder ni Pare:
Chicken Ass, Pakpak, Chicken Thigh, Batchoy, Garlic Rice, Coke Lite (may pa lite lite pa ako, tangnang siba ko naman sa pag-order ng chibog). Wag na wag kalimutan mag order ng Chicken Oil. Yan ang Star margarine ng mga taga bacolod na mahilig kumain ng manok.
Wag magdala ng vegetarian. Wala silang makakain dito,ni tokwa.
Panalo sa presyo! Magtabi ng mga P100, busog ka na. May libreng hepa ka nga lang pag uminom ka ng Nawasa juice.
Yung staff, pwede na. May mga sungit din na sasagot sa yo na “hindi ako ang kumukuha ng order” at ituturo ka sa color coordinated na uniform na serbidors nila. Burat to kung 1st time mo kumain dito, kaya cool lang ng kaunti kasi kupal talaga yung iba. Hanapin nyo yung bakla at ngitian mo at tawagin mong “darling”. Mas advantage kung may kasama kang gwapo.
Overall Perpormans:
Sulit sa budget tong JT’s munukan. Masarap talaga ang chibog nila at mukhang alam ni Joel Torre kung anong ginagawa nya. Bukas ito hanggang alas 2 ng umaga, kaya nakakakain parin ako dito pagkatapos ng programa ko sa radyo.
So, with matching Butch Francisco smile, 4.5 stars ang rating ni Pare dito (nawala ang 0.5 nung nawala ang beer).
Sa muling pag chibog!!
Nobyembre 27, 2007 bandang 2:07 hapon |
try mo next time ang 4×4s, makalagpas ng kaunti sa JTs.
marami-raming mapagpipiliang pagkain…panalo ang isaw (bilog man o IUD)…may beer! magbaon ka lang ng maraming pasensya…dahil may mga panahong mabagal ang serbisyo…
Nobyembre 28, 2007 bandang 10:33 umaga |
wow, akala ko ang owner ay si JOHN TRAVOLTA, hahaha!
ang sarap namang bumogchi ni repapips, natotomjones tuloy ako.. talagang pang two-legged animal lang si pare, hehehe! teka, eh di hindi mo mabibitbit si mareng kelly sa resto na itech? hehehe! (pwes! mabuti naman kung ganon, hahahah! joke lang!!)
Nobyembre 28, 2007 bandang 3:11 hapon |
salamat dito haring king!
madalas din kami magfood trip ng mga barkada ko..pero dpa kami na padpad sa JT’s Manukan lagi lang namin nadadaanan. Madalas kasi madaming tao.
Nasubukan niyo na ba ang Colassas sa timog?
Nobyembre 29, 2007 bandang 11:58 umaga |
huwaw, bagong portion ba ito dto sa blogan?
aus..hehe!!
Disyembre 13, 2007 bandang 6:41 umaga |
Dear KDL,
Pls try Inasal Republic, ok din sya, champion ang gambas at ang manok nila dun, order it with garlic rice, saaaraaap paaaaarrreeee.
Disyembre 13, 2007 bandang 6:44 umaga |
Dear KDL,
Pls try Inasal Republic, ok din sya, champion ang gambas at ang manok nila dun, order it with garlic rice, saaaraaap paaaaarrreeee.
Disyembre 13, 2007 bandang 6:46 umaga |
Ay o nga pala stupido, ang address nga pala, at Banawe st. corner ng Maria Clara. QC.
Disyembre 16, 2007 bandang 10:10 umaga |
Ei, Question! Where when can we see the pictures of Marf and Justin?? The Three of You Rocks!!!
Disyembre 17, 2007 bandang 6:09 hapon |
I’d prefer reading in my native language, because my knowledge of your languange is no so well. But it was interesting! Look for some my links:
Disyembre 20, 2007 bandang 9:59 umaga |
Pare, tama ang iyong impormasyon sa madla na ok dito sa JT’s…un nga lng medyo mahirap parking pag naunahan ka ng madami.hehe..
ok din pag padadamihan mo ng bawang ung kanin mo para mas masarap ng bochi..
Pebrero 19, 2008 bandang 7:28 umaga |
ang sarap kumain ni pare… (salivating..)